Pangakong BDO Network Bank: Sama-sama tayo
BDO Junior Savers, ang tunay na pamana sa kinabukasan
BDO Junior Savers, Ang Tunay na Pamana sa Kinabukasan
“Bata-bata, ano ba ang pwede mong magawa”? ISANG sikat na Tagalog song ang siguradong tumatak sa mga magulang noong dekada 80 at ito ay may lyrics na “Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo.”
Tama nga naman. At sino pa ba ang unang teacher na maituturing ng mga bata kungdi ang kanilang mga magulang. Narito ang ilang tips para sa mga magulang na gustong turuan ang kanilang mga anak na pahalagahan ang pera habang sila ay bata pa:
Bago makuha ang isang bagay, dapat itong paghandaan at pag-ipunan. Habang bata pa lang, dapat ng matutunan ng mga mga anak na ang pera ay kinikita at pinaghihirapan. Kapag may mga bagay silang gustong ipabili, halimbawa ay isang laruan, sa halip na sabihing “Anak, wala tayong perang pambili,” gawin mas positibo ang strategy at paaalalahanan ang mga anak na ang “needs at wants” ay kailangang pagtrabahuhan at pag-ipunan.
Kahit bata ay pwedeng magnegosyo o mag-invest. Usung-uso ngayon ang online selling at kahit mga bata ay na-e-enganyong sumali dito. May mga nagbebenta ng pagkain, candies, stationaries, damit, accessories, at marami pang iba. Kasama ang inyong mga anak, maaari ninyong pag-usapan ang pagsisimula ng isang maliit na negosyo tulad ng isang online store at magbenta ng mga pre-loved items tulad ng toys at books. Kung investment naman pag-uusapan, simple lang muna ang iyong ituro at mag research online para sa dagdag na impormasyon.
Kailangan ba o Gusto lang? Importanteng matutunan ng mga bata kung papaano mag-budget. Kailangan nilang malaman at maintindihan na ang mga basic needs tulad ng pagkain, regular na bayarin, school supplies, atbp ay mas importante kaysa mga laruan at iba pang material na bagay.
Ipon-ipon Para sa Kinabukasan. Ituro sa mga anak na importante ang pagkakaroon ng ipon para suportahan ang mga kailangan sa future. Upang mas lalo nilang maintindihan, mas makatutulong kung magbibigay ng mga simpleng halimbawa ang mga magulang kung saan mas makaka-relate sila.
Makakatulong
ang BDO sa pagsisimula ng mga bata na mag-ipon sa pamamagitan ng BDO Junior
Savers account. Ito ay savings account na dinisenyo para sa mga kabataan, affordable
lamang ang initial deposit at may low maintaining balance. Napakadaling mag-open
ng BDO Junior Savers accountat ito ay available sa lahat ng BDO Branches
nationwide.
Kapag mayroon ng BDO Junior Savers account, maaaring tulungan ng mga magulang na palakihin ang kanilang ipon gamit ang sariling BDO Digital Banking account. Sa pamamagitan ng Junior Savers Plan, regular na makakapag-deposit ng pera mula sa BDO Savings account papunta sa Junior Savers account ng mga anak.
For more info, visit BDO Junior Savers Account now!
BDO posts P28.2 billion income in 2020 Earns P10.4 billion in 1Q21
BDO posts P28.2 billion income in 2020 Earns P10.4 billion in 1Q21
BDO’s sustainable investments follow global trend, still robust amid COVID-19
BDO’s sustainable investments follow global trend, still robust amid COVID-19
BDO and American Express support local businesses
BDO and American Express support local businesses
BDO wins Philippine Quill Awards for effective communications
BDO wins Philippine Quill Awards for effective communications
Cash Agad: Ka-Partner Sa Muling Pagbangon
Cash Agad: Ka-Partner Sa Muling Pagbangon
Naging
matindi ang epekto ng pandemic sa mga pamilya at komunidad sa bansa hindi
lang dahil sa takot na naramdaman ng
marami mula sa banta ng COVID-19 kundi pati na rin sa epekto nito sa kabuhayan.
Maraming nagsarang negosyo at maraming nawalan ng trabaho. At yun namang mga
kumikita pa rin, hindi makapag-withdraw ng cash dahil pinatigil ng mga lockdown
ang pampublikong transportasyon.
Mabuti na
lamang at andiyan ang mga Cash Agad partner agents, naka-antabay para matugunan
ang banking needs ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya. Naapektuhan man ang sila
noong nagdeklara ng community quarantine, sila naman ay nakatulong sa barangay,
nakakabawi at patuloy pang bumabangon upang muling umunlad ang kanilang mga
negosyo.
Ang network ng Cash Agad partner agents ay binubuo ng mga maliliit na negosyante sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nagpapatakbo ng sebisyong Cash Agad sa kani-kanilang komunidad. Layunin ng sebisyong ito na bigyan ng access sa cash ang mga malalayong komunidad, lalo na ang mga liblib na lugar, mga lugar na kailangan pang umakyat ng bundok o tumawid ng dagat.
Ang Cash
Agad ay solusyon mula sa BDO Unibank na kung saan ang pinakamahahalagang serbisyo
ng bangko - tulad ng withdrawal at balance inquiry - ay nakakarating sa isang
liblib na lugar nang hindi na kinakailangang magpatayo pa ng isang branch o
maglagay ng ATM.
Tindahan na, ATM pa: Ang may-ari ng isang tindahan (pwede ring salon, drugstore, hardware store, etc.) ay maaaring maging Cash Agad partner agent na seserbiyso sa isang komunidad. Dahil ang negosyanteng ito ay matagal nang bahagi ng komunidad, malapit ang pwesto, kilala at pinagkakatiwalaan, mas madali sa mga tao na sa kanya lumapit para kunin ang kanilang pera.
Kapag naging Cash Agad partner agent, ang may-ari ng tindahan ay bibigyan ng POS terminal na may kakayanang tumanggap ng mga transaksyon gamit ang Philippine-issued ATM card, mapa-debit o prepaid man ito. At kahit pa BDO Unibank ang nagpapatakbo sa Cash Agad, tinatanggap ng POS terminal ang mga ATM cards ng lahat ng bangko sa Pilipinas.
Cash Agad at mga LGUs: Isa pang maganda sa Cash Agad ay hindi ito nakadepende sa oras ng bangko. Habang bukas ang tindahan ng Cash Agad partner agent, pwede mag-transact dito. Yun nga lang, binago lang ang mga schedule ngayon dahil sa pandemic at community quarantine. Ang mga lokal na opisyal ang nagbibigay ng schedule kung kelan pwede mag- withdraw sa isang tindahang may Cash Agad. Ito ay para masigurado ang physical distancing at kaligtasan ng bawat partner agent at mga customers nito.
Maging ang
mga LGU ay umaasa rin sa Cash Agad para maparating sa mga nangangailangan ang
mga supporta ng gobyerno. Halimbawa, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay sa Cash
Agad na nagwi-withdraw ng kanilang monthly cash assistance. Ang mga IPs o
indigenous people din ay tumatanggap ng kanilang cash assistance at
iniwi-withdraw dito. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng
Cash Agad at LGU.
Maski ang
mga empleyado ng munisipyo, mga pulis, at mga teacher sa isang lokalidad ay sa
Cash Agad na nagpupunta para makuha ang sweldo nila. Ang mga pribadong
empleyado, mga pamilya ng OFWs, lahat sila ay pwedeng sa Cash Agad na
mag-withdraw.
Ito ay
malaking ginhawa para sa kanilang lahat dahil noong nagkaroon ng mga lockdown
at checkpoints, hindi na makaalis ang maraming tao sa kani-kanilang baranggay
para magpunta sa mga dati nilang dinadayong mga bangko at ATM na malayo.
Tulong sa Negosyo: Ayon kay Lorna Taruc, may-ari ng Jan Pau convenience store at Cash Agad partner agent sa San Simon, Pampanga, malaking tulong sa negosyo niya at sa komunidad niya ang Cash Agad.
Malaking convenience para sa mga tao yung dito na lang sila sa tindahan magwi-withdraw ng cash. Hindi na nila kailangan magbiyahe ng malayo. Lalo na noong lockdown ang hirap kumuha ng sasakyan. Bukod dito, dumami rin ang customer sa tindahan ko.
Ayon naman
sa isa pang Cash Agad partner agent, si Roselyn Abela ng Pitogo, Bohol,
maraming natakot lumabas ng lugar nila noong nagkaroon ng community quarantine
dahil nabalitaan nilang may mga Covid positive doon sa bayan kung saan sila
pumupunta para mag-bangko at mag-ATM.
Ang bayan na
ito ay napakalayo sa Pitogo. Sasakay pa ng habal-habal tapos tatawid ng dagat
gamit ang lantsa sa kabilang isla. Tapos habal-habal na naman. Aabutin ng
kalahati hanggang isang araw para lang makapag-bangko o ATM. At mga limandaang
piso ang gastos sa pamasahe kung balikan.
"Kaya noong nagkaroon ng quarantine, nagpasalamat ang mga tao sa lugar namin dahil may Cash Agad ako sa tindahan ko. Dito na sila nagwiwithdraw. Tapos, dito na rin sila bumibili ng mga kailangan nila pagkatapos mag-withdraw kaya nadadagdagan ang kita ko," sabi ni Roselyn.
Financial Inclusion: Ayon kay Jim Nasol, Head of Agency Banking (Cash Agad) ng BDO, ang pagkakaroon ng mga Cash Agad partner agents sa mga liblib na lugar ay matagal nang plano ng bangko. Ito ay dahil sa pagnanais nito na mapalaganap ang pag-unlad sa mga kanayunan sa buong Pilipinas.
Maraming mga Pilipino ang masipag, matalino, mapagsumikap, at nangagarap na mapabuti ang kanilang kabuhayan. Kaya lang, napipigilan sila ng kawalan ng access sa cash at kapital. Marami ang mga Pilipinong nahihirapan pagkasyahin ang pera dahil dun pa lang sa pagkuha ng cash, mahabang oras at malaking gastos ang kailangan.
Ang mga Cash Agad partner agents natin ang nagiging daan para mapalaganap ang financial inclusion, o yung mapalawak ang sakop ng mga serbisyong pinansyal. Nakikita natin sa mga lugar tulad ng Pitogo na malaki ang nagagawa ng financial inclusion para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino sa malalayong komunidad," paliwanag niya.
Dagdag pa ni
Arnold Katipunan, Head of Sales Cash Agad from BDO, lalong mahalaga ang
financial inclusion at access sa cash ngayong panahon ng pandemic, kung kailan
maraming mga tao at negosyo ang kailangang bumangon mula sa epekto ng krisis sa
kalusugan at ekonomiya.
Patuloy pa
rin ang pagdami ng mga Cash Agad partner agents sa bansa. Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa Cash Agad, puntahan ang BDO website http://www.bdo.com.ph/cash-agad o kaya ay magpadala ng email sa cashagad@bdo.com.ph.
#CashAgad #BDOCashAgad