BDO Junior Savers, ang tunay na pamana sa kinabukasan

 BDO Junior Savers, Ang Tunay na Pamana sa Kinabukasan

“Bata-bata, ano ba ang pwede mong magawa”? ISANG sikat na Tagalog song ang siguradong tumatak sa mga magulang noong dekada 80 at ito ay may lyrics na “Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo.”

Tama nga naman. At sino pa ba ang unang teacher na maituturing ng mga bata kungdi ang kanilang mga magulang. Narito ang ilang tips para sa mga magulang na gustong turuan ang kanilang mga anak na pahalagahan ang pera habang sila ay bata pa:

Bago makuha ang isang bagay, dapat itong paghandaan at pag-ipunan. Habang bata pa lang, dapat ng matutunan ng mga mga anak na ang pera ay kinikita at pinaghihirapan. Kapag may mga bagay silang gustong ipabili, halimbawa ay isang laruan, sa halip na sabihing “Anak, wala tayong perang pambili,” gawin mas positibo ang strategy at paaalalahanan ang mga anak na ang “needs at wants” ay kailangang pagtrabahuhan at pag-ipunan.  

Kahit bata ay pwedeng magnegosyo o mag-invest. Usung-uso ngayon ang online selling at kahit mga bata ay na-e-enganyong sumali dito.  May mga nagbebenta ng pagkain, candies, stationaries, damit, accessories, at marami pang iba.  Kasama ang inyong mga anak, maaari ninyong pag-usapan ang pagsisimula ng isang maliit na negosyo tulad ng isang online store at magbenta ng mga pre-loved items tulad ng toys at books. Kung investment naman pag-uusapan, simple lang muna ang iyong ituro at mag research online para sa dagdag na impormasyon.

Kailangan ba o Gusto lang? Importanteng matutunan ng mga bata kung papaano mag-budget. Kailangan nilang malaman at maintindihan na ang mga basic needs tulad ng pagkain, regular na bayarin, school supplies, atbp ay mas importante kaysa mga laruan at iba pang material na bagay.

Ipon-ipon Para sa Kinabukasan. Ituro sa mga anak na importante ang pagkakaroon ng ipon para suportahan ang mga kailangan sa future. Upang mas lalo nilang maintindihan, mas makatutulong kung magbibigay ng mga simpleng halimbawa ang mga magulang kung saan mas makaka-relate sila.

Makakatulong ang BDO sa pagsisimula ng mga bata na mag-ipon sa pamamagitan ng BDO Junior Savers account. Ito ay savings account na dinisenyo para sa mga kabataan, affordable lamang ang initial deposit at may low maintaining balance. Napakadaling mag-open ng BDO Junior Savers accountat ito ay available sa lahat ng BDO Branches nationwide.

Kapag mayroon ng BDO Junior Savers account, maaaring tulungan ng mga magulang na palakihin ang kanilang ipon gamit ang sariling BDO Digital Banking account. Sa pamamagitan ng Junior Savers Plan, regular na makakapag-deposit ng pera mula sa BDO Savings account papunta sa Junior Savers account ng mga anak.

 

For more info, visit BDO Junior Savers Account now!





7 Comments:

  1. Idolo ko po ate ko dito mommy. Bata pa lang mga pamangkin ko pero may mga naiipon na kaya nabibili nila yung mga laruan na gusto nila. Kaya tama po talaga na bata pa lang turuan mo ng mag ipon kase kalalakihan nila ito. Pero need pa rin ng guidance. Need pa rin turuan kung paano at kung saan lang nila need gastusin yung mga naipon nila.

    ReplyDelete
  2. Tama ka dyan. May savings na mga bata, Turuan na rin silang mag impok or mag save in a little way, lumilipas ang panahon, nadadagdagan din ang mga ipon nila.

    ReplyDelete
  3. Thanks for sharing this very inspiring blog mommy aci. Ung lola ko ganitong ganito, taon taon talaga may naiipon siya, nakakahanga lang kasi sa edad niya na un nasakanya padin ung pagging matipid at wais. Ako sa pag mani/pedi ko 10% ng kita ko ung inilalagay ko sa dinosaur ko. Haha. Para for emergency purposes may madudukot

    ReplyDelete
  4. Kmi mahilig din mag ipon ,di nga lng maiiwasang tlgang di mgalaw lalu na pag emergency


    -Ahneinj Zapiter

    ReplyDelete
  5. Karen Joy Daban
    Pasig city

    Magandang start to para sa future ng mga kids natin..Atleat hanggat bata pa sila may ipon na agad sila thanks to BDO

    ReplyDelete
  6. This is the best way para mapaghandaan natin ang future ng mga kids natin..Thanks to BDO..Nakapagstart na ko sa panganay ko next ko naman ung pangalawa ko para lahat sila may kanya kanyang ipon

    Karen Joy Daban
    Pasig City

    ReplyDelete
  7. Marjori ConchinaMay 6, 2021 at 10:29 PM

    Gusto ko din ito para sa mga anak for future praying maisingit ko din sa budget

    ReplyDelete

@aci_girl