Cash Agad: Ka-Partner Sa Muling Pagbangon
Naging
matindi ang epekto ng pandemic sa mga pamilya at komunidad sa bansa hindi
lang dahil sa takot na naramdaman ng
marami mula sa banta ng COVID-19 kundi pati na rin sa epekto nito sa kabuhayan.
Maraming nagsarang negosyo at maraming nawalan ng trabaho. At yun namang mga
kumikita pa rin, hindi makapag-withdraw ng cash dahil pinatigil ng mga lockdown
ang pampublikong transportasyon.
Mabuti na
lamang at andiyan ang mga Cash Agad partner agents, naka-antabay para matugunan
ang banking needs ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya. Naapektuhan man ang sila
noong nagdeklara ng community quarantine, sila naman ay nakatulong sa barangay,
nakakabawi at patuloy pang bumabangon upang muling umunlad ang kanilang mga
negosyo.
Ang network
ng Cash Agad partner agents ay binubuo ng mga maliliit na negosyante sa Luzon,
Visayas, at Mindanao na nagpapatakbo ng sebisyong Cash Agad sa kani-kanilang
komunidad. Layunin ng sebisyong ito na bigyan ng access sa cash ang mga
malalayong komunidad, lalo na ang mga liblib na lugar, mga lugar na kailangan
pang umakyat ng bundok o tumawid ng dagat.
Ang Cash
Agad ay solusyon mula sa BDO Unibank na kung saan ang pinakamahahalagang serbisyo
ng bangko - tulad ng withdrawal at balance inquiry - ay nakakarating sa isang
liblib na lugar nang hindi na kinakailangang magpatayo pa ng isang branch o
maglagay ng ATM.
Tindahan na, ATM pa: Ang may-ari
ng isang tindahan (pwede ring salon, drugstore, hardware store, etc.) ay
maaaring maging Cash Agad partner agent na seserbiyso sa isang komunidad. Dahil
ang negosyanteng ito ay matagal
nang bahagi ng komunidad, malapit ang pwesto, kilala at pinagkakatiwalaan, mas
madali sa mga tao na sa kanya lumapit para kunin ang kanilang pera.
Kapag naging
Cash Agad partner agent, ang may-ari ng tindahan ay bibigyan ng POS terminal na
may kakayanang tumanggap ng mga transaksyon gamit ang Philippine-issued ATM
card, mapa-debit o prepaid man ito. At kahit
pa BDO Unibank ang nagpapatakbo sa Cash Agad, tinatanggap ng POS terminal ang
mga ATM cards ng lahat ng bangko sa Pilipinas.
Cash Agad at mga LGUs: Isa pang
maganda sa Cash Agad ay hindi ito nakadepende sa oras ng bangko. Habang bukas
ang tindahan ng Cash Agad partner agent, pwede mag-transact dito. Yun nga lang,
binago lang ang mga schedule ngayon dahil sa pandemic at community quarantine.
Ang mga lokal na opisyal ang nagbibigay ng schedule kung kelan pwede mag-
withdraw sa isang tindahang may Cash Agad. Ito ay para masigurado ang physical
distancing at kaligtasan ng bawat partner agent at mga customers nito.
Maging ang
mga LGU ay umaasa rin sa Cash Agad para maparating sa mga nangangailangan ang
mga supporta ng gobyerno. Halimbawa, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay sa Cash
Agad na nagwi-withdraw ng kanilang monthly cash assistance. Ang mga IPs o
indigenous people din ay tumatanggap ng kanilang cash assistance at
iniwi-withdraw dito. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng
Cash Agad at LGU.
Maski ang
mga empleyado ng munisipyo, mga pulis, at mga teacher sa isang lokalidad ay sa
Cash Agad na nagpupunta para makuha ang sweldo nila. Ang mga pribadong
empleyado, mga pamilya ng OFWs, lahat sila ay pwedeng sa Cash Agad na
mag-withdraw.
Ito ay
malaking ginhawa para sa kanilang lahat dahil noong nagkaroon ng mga lockdown
at checkpoints, hindi na makaalis ang maraming tao sa kani-kanilang baranggay
para magpunta sa mga dati nilang dinadayong mga bangko at ATM na malayo.
Tulong sa Negosyo: Ayon kay
Lorna Taruc, may-ari ng Jan Pau convenience store at Cash Agad partner agent sa
San Simon, Pampanga, malaking tulong sa negosyo niya at sa komunidad niya ang
Cash Agad.
Malaking
convenience para sa mga tao yung dito na lang sila sa tindahan magwi-withdraw
ng cash. Hindi na nila kailangan magbiyahe ng malayo. Lalo na noong lockdown
ang hirap kumuha ng sasakyan. Bukod dito, dumami rin ang customer sa tindahan ko.
Ayon naman
sa isa pang Cash Agad partner agent, si Roselyn Abela ng Pitogo, Bohol,
maraming natakot lumabas ng lugar nila noong nagkaroon ng community quarantine
dahil nabalitaan nilang may mga Covid positive doon sa bayan kung saan sila
pumupunta para mag-bangko at mag-ATM.
Ang bayan na
ito ay napakalayo sa Pitogo. Sasakay pa ng habal-habal tapos tatawid ng dagat
gamit ang lantsa sa kabilang isla. Tapos habal-habal na naman. Aabutin ng
kalahati hanggang isang araw para lang makapag-bangko o ATM. At mga limandaang
piso ang gastos sa pamasahe kung balikan.
"Kaya
noong nagkaroon ng quarantine, nagpasalamat ang mga tao sa lugar namin dahil
may Cash Agad ako sa tindahan ko. Dito na sila nagwiwithdraw. Tapos, dito na
rin sila bumibili ng mga kailangan nila pagkatapos mag-withdraw kaya
nadadagdagan ang kita ko," sabi ni Roselyn.
Financial Inclusion: Ayon kay Jim
Nasol, Head of Agency Banking (Cash Agad) ng BDO, ang pagkakaroon ng mga Cash
Agad partner agents sa mga liblib na lugar ay matagal nang plano ng bangko. Ito
ay dahil sa pagnanais nito na mapalaganap ang pag-unlad sa mga kanayunan sa
buong Pilipinas.
Maraming
mga Pilipino ang masipag, matalino, mapagsumikap, at nangagarap na mapabuti ang
kanilang kabuhayan. Kaya lang, napipigilan sila ng kawalan ng access sa cash at
kapital. Marami ang mga Pilipinong nahihirapan pagkasyahin ang pera dahil dun
pa lang sa pagkuha ng cash, mahabang oras at malaking gastos ang kailangan.
Ang
mga Cash Agad partner agents natin ang nagiging daan para mapalaganap ang
financial inclusion, o yung mapalawak ang sakop ng mga serbisyong pinansyal.
Nakikita natin sa mga lugar tulad ng Pitogo na malaki ang nagagawa ng financial
inclusion para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino sa malalayong
komunidad," paliwanag niya.
Dagdag pa ni
Arnold Katipunan, Head of Sales Cash Agad from BDO, lalong mahalaga ang
financial inclusion at access sa cash ngayong panahon ng pandemic, kung kailan
maraming mga tao at negosyo ang kailangang bumangon mula sa epekto ng krisis sa
kalusugan at ekonomiya.
Patuloy pa
rin ang pagdami ng mga Cash Agad partner agents sa bansa. Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa Cash Agad, puntahan ang BDO website http://www.bdo.com.ph/cash-agad o kaya ay magpadala ng email sa cashagad@bdo.com.ph.
#CashAgad #BDOCashAgad